Last Monday nag-Christmas party ang ABS-CBN CCPMG sa Dolce Superclub at oo andun ako...
kahit na naipangako ko sa sarili ko na di ako papasok ng Bar or Club pumunta pa din ako, bakit?
1. It's basically an official business, its the companies Christmas party.
2. It's within my working hours and its monday.
3. I am paid to be there (kasama sa sweldo ko yun bilang contractual employee)
4. Libreng pagkain at libreng alak... (who would skip such a deal)
Edi yun na nga pumasok na ako sa club... Maingay, Masikip, Magulo...
pero masarap ang pagkain Courtesy of Tony's Grill sa may sct. Rallos (with advertisement pa)
at maraming alak... May mga babae din na kinulang sa tela, kaya yung titigan ko sila ay wala
silang karapatang magalit dahil choice nila na magsuot ng ganon at choice ko din na tignan sila.
Nang matapos ang program nag simula na ang party mga taong nagsasayawan... nagiinuman (ng mas marami)
at nag-iingay... maingay talaga grabe... paminsan minsan ay lumalabas ako ng Club para malaman kung nakakarinig pa talaga ako...
Bukod sa paglalasing, pagsasayaw, paglalandi at ang occasional na pag-tsyansing na pede pang umabot sa bedding may mga naitutulong pa pala ang mga bar na ito sa tao.
1. Nagiging pala ngiti ka kasi sa sobrang sikip at makikisiksik ka, ngingitian mo na lang ang mga tao (dahil ayaw mo naman talagang sabihing excuse me at di ka din nila maririnig)
2. Malilimutan mo ang mga problema mo kasi sa sobrang ingay eh hindi mo na maririnig ang sarili mong nagsasalita.
3. Kaya nitong paikliin ang pinakamamahabang usapan at mauuwi na lang sa ngitian, pag-tango at tawanan kahit wala ka naman talagang naiintindihan...
Siguro mild pa lang ang party at kaguluhang nasaksihan ko dahil nga naman mga office people ang mga kasama ko... pero ayaw ko ng masaksihan ang kung ano pang mas malala pa dun...
kaya kung gusto nyo ako isama sa bar... dapat maganda ang offer nyo... bago ako pumayag...
mas komportable ako na umupo at uminom habang tumutog-tog si jimmy bondoc ng "let me be the one..."
No comments:
Post a Comment