a collection of artistic expressions by Marc So or Marlon J. Locsin or marlongels or nap... Jack of all trades, master of none a Generalist a Renaissance Man...
Friday, September 7, 2012
Ang rurok ng kaligayahan (or what it seems to be the rurok anyway)
Madadama mo ang dahan-dahang dampi nito sa iyong balat. Gaya ng dati magsisimula ako ng mabagal, nasanay na kasi ako sa ganitong paraan mas nagiinit ang katawan ko at mas tumatagal ang aking performance. Sa umpisa parang maginaw at nakakakiliti na ang mga dampi... Unti-hunting nagiinit ang aking katawan... Eto na sisimulan ko na... Pasensya na muna... Medyo matatagalan toh... Medyo kakaiba ang pakiramdam sa unang mga bayo pero mayamaya magiging maayos na masasanay naulit ang aking katawan sa pakiramdam o siguro pede ko ding tawagin itong sarap... Sarap na walang ka-pares (actually meron pero ito muna ang topic natin eh isa-isa lang) matagal... Matagal talaga ako bago bumigay... Pasensya na baka Kasi pagod ka na pero di ako hihinto hanggat di ako tapos... Selfish Kasi ako sa mga bagay na ganito... Pag nararamdaman ko ang paninikip at pagpipigil alam kong asa Kalahati na ako extra effort ako as always... Ayaw kong napapahiya eh... Mayamaya ay babagal na ang aking pagararo... Tagaktak ang pawis sa buong katawan... Sa sahig pasensya na kung mabasa ka sa pawis ko iba lang talaga ang sarap na dinaranas ko sa gawaing ito... Matatapos ang lahat sa paghinto ng treadmill at sasabihin ko sa nagaantay... Ser pasensya na natagalan ok na po ako...
Thursday, September 6, 2012
Paalaman na sayo... mga panahong emo at kadire pa ako...
Yes, its late... 2:45am i should be sleeping by now and preparing myself to another hell of a workload na hindi ko alam pano gagawin... (lagi na lang ginagapang lahat ng trabaho)
Well here I am writing another senseless blog that only a few would read, I spent this night re-reading my old blogs... at yun na... dun nagsimula ang pagkutya ko sa aking sarili. mukha akong tanga... pero ganito pa rin ako magsulat ng blog puro ellipsis. At putol putol na phrases...
hindi ko na ilalagay yung link ng luma kong blog dito kasi baka may mga tao pang magbasa nun at makita nila ang ka-jologan ko... well ka-jologan nating lahat actually...
hopefully kung binabasa mo ito... it will urge you to re-read your old posts... reminisce the old times and find yourself... despicable... at sobrang babaw...
Natutuwa ako ngayon at nakakapag-sulat ako ulit... I need to find time and do this again... muli kong nagugustuhan ang himig ng tiklada habang bumabaon ang aking mga daliri sa bawat piyesa ng aking keyboard at bawat lagapak ng spacebar sa katapusan ng bawat salita... lalong lalo na ang tunog ng "dat dat dat" ng aking ellipsis...
Salamat luma kong blog... at pinagaan mo ang buhay ko... lahat ata ng pinagdaanan ko noong emo at kadire pa ako ay napakinggan mo... may panahong maraming mambabasa... pero madalas tayo lang dalawa... Iniligtas mo ako sa kabaliwang dulot ng pag-ibig, pag-kabigo, galit, at lahat ng ka walang kwentahan sa mundo... (o siguro sa tingin ko wala lang silang kwenta noon... pero meron na ngayon...) salamat at pinaunlakan mo akong kausapin ka... na parang salamin ni Tito Boy... (ano nga ba ang sasabihin ko sa sarili ko...)
nakapag-move on na ako sa lahat ng ka-jologan ko ng hindi ko namamalayan... naka-pag move on na ako sa family problems na siguro ako lang naman talaga ang may problema... nakapag-move on na ako sa mga kalokohang pag-ibig na dinanas ko... "BLOG MAHAL KITA PERO NAG MOVE ON NA AKO... LOOK AT ME... MATURE NA AKO"
Salamat sa lahat at paalam na...
Delete...
Friday, August 10, 2012
Masyadong malalim by Marlon J. Locsin
Meron akong sasabihin medyo mahaba
At naisip kong idaan ko na lang sa tula
Sadyang puno ito ng salitang malalim
Yaman din lamang at ito’y taimtim
Ang sasabihin ko ay maaring matalinhaga
Dahil ito sa isip ko na iyong sinasalasa
O minsa’y nag-uupat ng kaguluhan sa damdamin
Nagpapahaba rin sa taludtod ng aking awitin
Gulod ito na sobrang hirap daanan
Maari sanang ito’y wala ng katapusan
Ayaw kong sunugin ang buong mundo
Liyab lang ang adhikain ko dyan sa puso mo
Ang haba na ata nitong aking tula
Lalo ka na atang maainis sa dami ng aking salita
Ipagpatawad mo ang masyadong malalim na damdamin
Mahal kita yan mas madaling intindihin.
Subscribe to:
Posts (Atom)