Thursday, September 6, 2012

Paalaman na sayo... mga panahong emo at kadire pa ako...

Yes, its late... 2:45am i should be sleeping by now and preparing myself to another hell of a workload na hindi ko alam pano gagawin... (lagi na lang ginagapang lahat ng trabaho)

Well here I am writing another senseless blog that only a few would read, I spent this night re-reading my old blogs... at yun na... dun nagsimula ang pagkutya ko sa aking sarili. mukha akong tanga... pero ganito pa rin ako magsulat ng blog puro ellipsis. At putol putol na phrases...

hindi ko na ilalagay yung link ng luma kong blog dito kasi baka may mga tao pang magbasa nun at makita nila ang ka-jologan ko... well ka-jologan nating lahat actually...

hopefully kung binabasa mo ito... it will urge you to re-read your old posts... reminisce the old times and find yourself... despicable... at sobrang babaw...

Natutuwa ako ngayon at nakakapag-sulat ako ulit... I need to find time and do this again... muli kong nagugustuhan ang himig ng tiklada habang bumabaon ang aking mga daliri sa bawat piyesa ng aking keyboard at bawat lagapak ng spacebar sa katapusan ng bawat salita... lalong lalo na ang tunog ng "dat dat dat" ng aking ellipsis... 

Salamat luma kong blog... at pinagaan mo ang buhay ko... lahat ata ng pinagdaanan ko noong emo at kadire pa ako ay napakinggan mo... may panahong maraming mambabasa... pero madalas tayo lang dalawa... Iniligtas mo ako sa kabaliwang dulot ng pag-ibig, pag-kabigo, galit, at lahat ng ka walang kwentahan sa mundo... (o siguro sa tingin ko wala lang silang kwenta noon... pero meron na ngayon...) salamat at pinaunlakan mo akong kausapin ka... na parang salamin ni Tito Boy... (ano nga ba ang sasabihin ko sa sarili ko...)

nakapag-move on na ako sa lahat ng ka-jologan ko ng hindi ko namamalayan... naka-pag move on na ako sa family problems na siguro ako lang naman talaga ang may problema... nakapag-move on na ako sa mga kalokohang pag-ibig na dinanas ko... "BLOG MAHAL KITA PERO NAG MOVE ON NA AKO... LOOK AT ME... MATURE NA AKO"

Salamat sa lahat at paalam na...

Delete...


No comments:

Post a Comment