a collection of artistic expressions by Marc So or Marlon J. Locsin or marlongels or nap... Jack of all trades, master of none a Generalist a Renaissance Man...
Friday, September 7, 2012
Ang rurok ng kaligayahan (or what it seems to be the rurok anyway)
Madadama mo ang dahan-dahang dampi nito sa iyong balat. Gaya ng dati magsisimula ako ng mabagal, nasanay na kasi ako sa ganitong paraan mas nagiinit ang katawan ko at mas tumatagal ang aking performance. Sa umpisa parang maginaw at nakakakiliti na ang mga dampi... Unti-hunting nagiinit ang aking katawan... Eto na sisimulan ko na... Pasensya na muna... Medyo matatagalan toh... Medyo kakaiba ang pakiramdam sa unang mga bayo pero mayamaya magiging maayos na masasanay naulit ang aking katawan sa pakiramdam o siguro pede ko ding tawagin itong sarap... Sarap na walang ka-pares (actually meron pero ito muna ang topic natin eh isa-isa lang) matagal... Matagal talaga ako bago bumigay... Pasensya na baka Kasi pagod ka na pero di ako hihinto hanggat di ako tapos... Selfish Kasi ako sa mga bagay na ganito... Pag nararamdaman ko ang paninikip at pagpipigil alam kong asa Kalahati na ako extra effort ako as always... Ayaw kong napapahiya eh... Mayamaya ay babagal na ang aking pagararo... Tagaktak ang pawis sa buong katawan... Sa sahig pasensya na kung mabasa ka sa pawis ko iba lang talaga ang sarap na dinaranas ko sa gawaing ito... Matatapos ang lahat sa paghinto ng treadmill at sasabihin ko sa nagaantay... Ser pasensya na natagalan ok na po ako...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment