Ni Marlon J. Locsin (aka marc so)
Ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig?
Isa ito sa pinaka-kupas na tanong sa history of the Philippines (bukod sa kumain ka na ba? At San na u?), pero napapagod ba tayo sa kakatanong niyan? Lahat na siguro ng tao natanong na, kahit nga bata. Konti na lang at ito na ang magiging batayan natin para tukuyin ang susunod na presidente ng pilipinas.
Marami ng blog, sulatin, kanta at libro na mahahanap sa buong mundo na sinagot na ang tanong na yan pero hanggang ngayon tinatanong pa rin. Therefore, I conclude na wala pang nahahanap na tamang sagot o ayaw lang nating maniwala sa sagot nila. Kahit anu pa sigurong kurso ang pagaraalan mo kahit MD or PHD ang meron ka wala pa ring maniniwala sa kung anong definition mo ng pag-ibig.
Ang sabi ng SCIENCE, mixture and release of hormones lamang ito at primal and survival instinct of our species to mate. Kaya nga nung panahon ng Greek, Romans until Renaissance mas pabor sa mga lalake ang mga babaeng malaki ang balakang because it symbolizes fertility. And in our time today, boobs naman ang tinitignan para sigurado na malusog ang magiging anak mo.
Ang sabi naman ARTS ang pag-ibig ay galing sa puso, which symbolizes life. Sila din ang nagpa-uso ng soulmate, at maari nating sabihing ang paghahanap sa pag-ibig ay matatawag na soul searching. Maraming mababaw at malalim na dahilan na inimbento ang arts tulad ng destiny, serendity, at fate. Kaya sa lahat ng taong love less ngayon wag kayong magalala kasi somewhere in this world someone will be destined, fated or inevitably commit a mistake. Dito na din naimbento ang love at first sight at sila din ang nagsabi na kaibig-ibig ang mata, tawa, ngiti, at kung anu-ano pa, pero kung iisipin mong mabuti hindi naman talaga kaibig-ibig yun. (kaibig-ibig nga ba ng skeletal and muscle movments?)
Ang sabi naman ng church, it is sacred and is given and protected by God. According din sa bible “Because God so love the world he gave up his only son” at dahil mahal tayo ni Jesus niligtas nya tayong lahat . Nakasulat na nga sa bibliya ayaw pa rin maniwala. Ang sasabihin naman ng iba ay romantic love ang gusto nilang malaman hindi ang yung generic love.
According naman sa mga musikero, marami pang meaning ang pag-ibig. Para sa mga optimist “Love’s gonna keep us alive” or “bakit labis kitang mahal” sa mga chemist “Love is all that matters”. Sa mga phlegmatic “ako’y alipin mo kahit hindi batid” pede ring “I’m slave for you” para sa mga melancholic “paint my love, it’s a picture of thousand sunsets” sa mga sanguine “come and get me, get me, get me, baby I’m yours” sa choleric “I am everything you want, I am everything you need..” sa mga self-centered naman “learning to love yourself is the greatest love of all” at ang aking paborito “love, STUPID!!!”
Ang haba-haba na nitong sulating ito, siguro itatanong nyo na “ano ba kuya?” ano nga ba ang point blog na ito. Magbibigay ba ako ng definition ng love? ako nga ba ang makakasagot sa pinakamahirap na tanong ng buong mundo?
Hindi… wala naman kasi talagang point itong blog na ito eh. Parang pag-ibig walang point. Kasi kung may point ang love (love point ang tawag dun). Hindi na dapat natin hinahanap ang sagot kasi may point eh. At dahil may sense ang pag-ibig for sure may definition yun, eh wala nga naman talaga eh so huwag na nating hanapin.
Pero bakit ba natin hinahanap? Bakit pa tayo umiibig kung senseless at walang point naman pala ang pagi-ibig?
Kasi sa mundo na lahat ng bagay ay may explanation at lahat ng bagay ay may point at may sense.
Gusto na lang nating magpakabaliw…
Wag nyo akong tanongin kung bakit ako umiibig di nyo naman ako paniniwalaan kasi baliw ako…
At lagi nyong tatandaan…
Someday, somewhere, someone is inevitably destined or fated to commit a mistake because he or she is crazy.
“That is why I admire those people because they take the hell that comes with it”
- Greg in Arnold Arre’s After Eden
And lastly…
“Love”
“STUPID!!!…”
No comments:
Post a Comment