Huling Pagkikita
Isang dagli Ni Marlon J. Locsin
Nagbakasyon kami ni Itay sa Dumagete. Tumuloy kami sa luma nilang bahay sa Tanjay. Matapos ang aming munting salo-salo kasama ng aming mga kamag-anak, naglatag na si itay ng aming tutulugan.
"Tay naniniwala po ba kayo sa multo?" ang aking tanong. "Anak hindi totoo ang multo" ang kanyang sagot. Kinuha ko ang unan at umupo sa kama "Pero tay totoo daw po ang multo kwento po ni lolo kanina" ang sabi ko sa kanya. Napatigil ang aking ama sa pag-ayos ng kama, namutla ito at dali-daling inampake ang aming mga gamit kasunod nito ay ang pag-alis namin sa lumang bahay. Ayun ang huling pagkikita namin ng aking lolo.
No comments:
Post a Comment