Tuesday, November 1, 2011

Mga Di ko pinaniniwalaan...



Maraming bagay sa mundo na puno ng meaning para sa ibang tao, dito umiikot ang buhay at paniniwala nila. Marahil ay niniwala ako sa iba mga bagay na ito pero hindi sa lahat kahit gaano pa nila ipilit hindi ako maniniwala. Nakakatawa kasing isiping dapat ka maniwala sa mga bagay na ito...

Destiny.

If your life is predetermined or everything is suppose to happen and you have no control over it then its a life not worth living, edi sana nanuod na lang ako ng sine at pinanuod ang buhay ko wala naman pala akong magagawa kahit anong gawin ko. Others say pwedeng pumasok ang freewill sa concept ng destiny, pero hindi ko kasi ma merge yung idea ng may choice kang pumuli pero destined ka na piliin yun? which contradicts freedom itself..

Luck.

Never akong naniwala sa swerte... never akong tumaya sa lotto... or sumali sa isang raffle at pinagdasal na swertehin ako. kasi hindi ako naniniwalang swerte ako. According to my father swerte ako bilang pinanganak ako ng year of the Dragon. Pero di parin ako naniniwala sa swerte. As a middle child i had no luck within my grasp every attention and affection from my parents I must earn. Everything in my life i earned fair and square wala akong masasabing swerte lang. Kasi kung aasa ako swerte baba ang tingin ko sa sarili ko, magiging mediocre ang trabaho kasi i-aasa ko ito sa swertehan lang yan... kaya never akong tatama sa lotto hindi dahil di ako naniniwala sa swerte yun ay dahil never akong tumaya.

Kilig

Never kong nagets ang kilig... as in never, anong feeling ba yan... kung tinext ako ng crush ko ang unang mararamdaman ko ay "ok nag txt sya" hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ng kinikilig. Maari kong sabihing sweet ang pelikula napakaganda ng portrayal ng characters and stroy telling nito... pero hindi ko sasabhing nakakakilig ang pelikula. Pag-ibig ba ang nilalaman ng kilig... mararamdaman lang ba ito pag-um-iibig ka (bukod sa pag-ihi), maari kong sabihng ang caring mo naman pero hindi ko alam kung kailan ako kikiligin. hindi ba ako marunong umibig dahil hindi ako kinikilig? O marahil pag dating sa pag-ibig i always look forward for the major details (im not saying im desregaring the minor details) kaya ang emotion lang nanararamdaman ko ay ang pagibig mismo, at hindi yung sudden out burst ng pagibig na di ka naman sure kung totoo... kaya siguro never akong kikiligin kasi hanggang ngayon nagtatanong pa din ako... "dapat na ba akong kiligin?"


No comments:

Post a Comment